Sa likod ng ating kinakaharap na problema dahil sa pandemya, ang kabataan ng Barangay Maybo Boac, Marinduque at miyembro ng Open Heart Youth Movement (OHYM) – Marinduque Chapter ay nagkaisa upang ibahagi ang mumunting biyaya para sa mga batang may mga pangarap sa buhay. Nagkaroon kami ng isang aktibidad (Feeding Program) na may temang “Kabataan para sa Kabataan, Ambagan para sa Hapag-kainan“. Ang programang ito ay ginanap noong ika-24 ng Mayo, 2021 sa Barangay Maybo na pinamunuan ni Mr. Richard Malabayabas at ng iba pang kasama ng scholarship program ng Open Heart Foundation. Ang nasabing aktibidad ay nakapaghandog sa limampu (5) na mga bata na may edad tatlo (3) hanggang labing-apat (14) na taong gulang. Nagbahagi kami ng pagkain at ilang mga damit mula sa donasyon para sa kanila pati na rin sa kanilang mga magulang. Nagkaroon kami ng pagkakataon upang maibahagi sa mga bata ang mga biyayang aming natanggap. Nakakatuwang makita sa mga mukha ang galak at ngiti ng bawat isa dahil sa simpleng biyaya na kanilang natanggap sa likod ng pandemyang ating pilit na nilalabanan.
Ang kabataan at miyembro ng Open Heart Youth Movement (OHYM) Marinduque ay lubos na nagpapasalamat sa mga nakilahok upang maisakatuparan at maisagawa ng maayos ang nasabing aktibidad, lalong lalo na sa suportang ibinibigay ng mga taong bumubuo ng Open Heart Foundation Worldwide Inc.
Maraming maraming salamat po sa suportang tulong pinansyal upang maghatid ng kasiyahan sa iba lalo’s higit sa mga taong nangangailangan. Kailanman ay hindi naging hadlang ang pandemayang ating kinakaharap upang mag-abot ng tulong sa lahat. Bagkus ito ang nagbigay daan upang maiabot ang biyayang pinagkaloob sa bawat isa.
Together we will say “Tara na at tumulong ng magkakasama sa kabila ng Pandemya!”
Prepared by: Nichelle Perlas, OHYM Marinduque Beneficiary





